nakaupo, nag-iisa, naghihintay,
anim na mahahabang araw na akong naghihintay,
naisip kung ikaw ay nakalimot habang naghihintay,
o sadyang ikaw ay hindi dumating kaya ako’y naghihintay,
naghintay, naghihintay, maghihintay,
natutunaw sa paghihintay,
ang tamis at pait ng paghihintay,
natutunaw ang tamis at pait sa paghihintay