gusto ko na ikaw ang huli kong makikita bago ako matulog.
gusto kong maranasan na pagising ko sa umaga, ikaw yung una kong makikita kasama ng maligamgam na sinag ng araw.
gusto kong maramdaman yung yakap mo pag giniginaw ako sa bukang liwayway.
gusto kong isipin na kahit magising ako sa gitna ng gabi, nariyan ka upang muling magpatulog sa akin.
gusto ko lang yung pakiramdam na ang lapit mo sa akin, kahit natutulog ako.



kaibigan, kasama
kahati, kabiyak
sa luha’t halakhak
kapiling, kasiping
umaga na mahal
sa silid ng pagibig ko