kapit-tuko
Magagawa ko kayang:
tumagal ng isang araw nang hindi napapatahimik
magluto nang mag-isa
abutin ang gamit sa likod ng cabinet
magtipid ng tubig
umupo sa pasamano
makinig ng malulungkot na kanta nang wala lang
kumausap ng hindi ko kilala
magising ng walang alarm clock
tumalon sa malamig na tubig
maglakad sa labas sa gabi
hindi maging praning
(atbp.)
kung wala ka?
Jan
17